Ito ang nagkakaisang tinig-protesta ng lahat ng mga kooperatiba sa Timog Katagalogan sa ginanap na 16 th Regional Cooperative Congress sa Tayabas City, Quezon na dinaluhan ng mga lideres ng ibat-ibang kooperatiba sa CALABARZON at MIMAROPA.

Sa darating na Sabado, Abril 29, 2017, magsasasama muli ang mga kooperatiba sa Calamba City Rizal Park upang ipahayag ang pagkakaisa at samasamang pagtutol sa napipintong pagpawalang-bisa ng Cooperative Tax Exemptions na nakapaloob sa Articles 60 at 61 ng R.A. 9520 ng Philippine

Cooperative Code of 2008, na nakapaloob sa R.A. 9510 na naglalayon na alisin ang mga probisyon ng cooperatives tax exemptions.

Magugunita na noong Setiyembre 2015, ang mga kooperatiba ay naglunsad ng malawakang kampanya upang tutulan ang mga proposed bills sa Rationalization of Fiscal Investment Incentives o House Bill 2765 na inakda ni Congressman Gabriel Luis Quisumbing sa Kongreso at Senate Bill 2048 na inakda naman ni Senadora Loren Legarda sa Senado.

Ang Tax Exemptions ng mga Kooperatiba ay nagmula sa mandato ng ating Saligang Batas (Philippine Constitution) at R.A. 9520. oOo