Ang Amazing Nature Care International (ANCI) ay isang Filipino korporasyon na naniniwala sa maganda benepisyo na naidudulot ng kalikasan sa ating katawan at ang kakayahang magpagaling ng anumang karamdaman sa natural at mabisang pamamaraan.

 

Noong Hunyo 28, 2019, ang mga opisyales ng Gardenia Kapit-Bisig Multi-Purpose and Transport Service Cooperative ay bumisita sa ANCI. Inc. Stevia plantation na matatagpuan sa Bocaue, Bulacan upang masaksihan ang taniman ng Stevia at ang pagproseso ng mga produktong gawa rito. Sa nasabing araw, nagkaroon ng pirmahan ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Gardenia at ng ANCI. Ang pagsanib-pwersa ng dalawa ay nangyari sa tulong ng Prime Movers Marketing na nagbibigay kaalaman patungkol sa mga produktong gawang Stevia Plant na pawang panglinis (detoxification) ng katawan at may maraming health benefits. Ang Stevia ay zero calories, zero cholesterol, zero sugar at zero glycemic index.

 

Tara na! Suportahan at tangkilikin ang mga produktong gawang Pinoy at simulan nating mamuhay ng malusog para sa ating mga mahal sa buhay!

 

Gardenia KBMPTS Cooperative patronizes the use of Alternative Medicine.