OKTUBRE 25, 2019, LUNGSOD NG TAGAYTAY: Tumanggap ng natatanging parangal ang Gardenia Kapit-Bisig Multi-purpose and Transport Service Cooperative sa ginanap na “Gabi ng KOOParangal 2019” sa Alta D Tagaytay Hotel.

Ipinagkaloob ng PCLEDO, PCDC at OPG sa Gardenia ang: “Pinakamahusay na KOOPERATIBA sa PAGPAPAUNLAD ng KAYAMANANG PANG-PINANSYAL sa Lalawigan ng Cavite” (1st Place).

Nakuha din ng Gardenia ang isa pang natatanging karangalan: “Pinakamahusay na Kooperatiba sa PAGBIBIGAY SERBISYO sa Lalawigan ng Cavite” (2nd Place).

“Ang tagumpay ng Gardenia bilang pinakamahusay na kooperatiba ay resulta ng pagsisikap, pagpupursige at maraming pagsubok sa mga opisyales at sa buong pagsuporta, pakipagtulungan at pagtitiwala ng mga kasapi”, masayang pahayag ni Chairman Danny Hilbero.

Ang Provincial Cooperative, Livelihood, Entrepreneurial Development Office (PCLEDO) ay pinamumunuan ni Atty. Khervy B. Reyes, CPA, JD; ang Provincial Cooperative Development Council ay pinamumunuan ni Fr. Arturo Joseph M. Balagat; at ang Pamahalaang Lalawigan ng Cavite ay pinamumunuan ng Kgg. Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla, Jr..

Tinanggap ng mga opisyales ng Gardenia,  ang Plaque at may kalakip na “Cash Reward”,  na sina: Chairman Danilo “Danny” C. Hilbero, Tagapangulo, CEO Cornelio “Bro. Neil” R. Ragasa, Ll.B, MBA, Tagapagtatag at Punong Tagapamahala, COO Windee Daves, Punong Tagapamahala ng Operasyon, at mga Direktor:  Michael “Mike” T. Reyes at Thelma B. Paduhilao.

Magugunita na ang Gardenia ay tumanggap ng pagkilala at parangal sa dalawang  sunod-sunod na taon (2018 at 2017) ayon sa mga sumusunod:

 

2018 & 2017 Most Outstanding Cooperative, Medium Scale Category in Cavite (1st Place);

2018 & 2017  Most Outstanding Cooperative Medium Scale Category in Bacoor City (1st Place);

2018 & 2017  Best in Membership Expansion in Cavite (1st Place);

2018 & 2017  Best in Membership Expansion in Bacoor City (1st Place);

2018 Best in Assets in Cavite (1st Place).

“Salamat sa Diyos una sa lahat, at salamat sa mga kasapi na patuloy sa pagsuporta at pagtitiwala sa pamunuan ng Gardenia, madamdaming pahayag ni CEO Neil R. Ragasa.